Fratman nagbaril sa bibig
CEBU CITY, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 35-anyos na miyembro ng Alpha Phi Omega Fraternity matapos magbaril sa bibig.
Sa loob ng himpilan ng pulisya sa bayan ng San Nicolas, Cebu kamakalawa ng umaga.
Nanatiling nasa kritikal na kalagayan sa Cebu City Medical Center si Glenn Cagulada, tubong Cagayan de Oro City at sinasabing may matinding problema sa pamilya.
Nabatid na si Cagulada, na nasa police station para sa safekeeping matapos itong magtangkang mag-suicide noong Linggo ng gabi ay inagaw ang baril ni PO2 Antonio Tejero bago nagbaril sa bibig.
Si PO2 Tejero ay kararating pa lamang sa police station mula sa regional headquarters nang sundan at agawan ng baril na nasa holster.
Tinangka naman ni Tejero na agawin ang kanyang baril subalit sa bilis ng pangyayari ay naiputok ni Cagulada sa sariling bibig na tumagos ang bala sa panga.
“I tried to stop him but when he pulled my gun out of the holster, I thought I would be dead,” pahayag ni Tejero.
Nakapagsulat ng katagang Sori Bi si Cagulada sa sementadong sahig gamit ang sariling dugo.
Sa pahayag naman ng hepe ng San Nicolas PNP na si P/Supt. Noel Lomente, si Cagulada dumating sa Cebu City noong November 5 kung saan pansamantalang tumuloy sa bahay ni SPO4 Enrico Golegole sa Deca Homes, Talisay City, Cebu dahil sa magkapatid sa fraternity.
Napag-alamang napigilan ni SPO4 Golegole ang biktima sa unang tangkang pagpapakamatay noong Linggo ng gabi kaya niya dinala sa himpilan ng pulisya. Freeman News Service
- Latest