^

Probinsiya

P.2 M marijuana nasamsam

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Aabot sa P.2 M halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang raid sa isang plantasyon sa Sitio Wa-in, Brgy. Bugnay, Tinglayan ng lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Cordillera Provincial Police Director Chief Supt. Benjamin Magalong, nakasamsam ang mga awtoridad ng 1,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P200,000 kasama na ang mga binhi at pinatuyong dahon.

Ayon kay Magalong, kamakailan ay sinalakay ng kaniyang mga tauhan ang 2,500 metro kuwadradong plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.

Bago ang raid ay nakatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na plantasyon ng marijuana at ng magpositibo ang ulat ay isinagawa ang operasyon.

Gayunman, wala ni isa sa mga pinaghihinalaang nasa likod ng taniman ng marijuana ang nasakote na pinaniniwalaang nakatakas matapos na matunugan ang operasyon ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang pinalakas na crackdown laban sa illegal na droga sa rehiyon ng Cordillera .

AABOT

AYON

BENGUET

BENJAMIN MAGALONG

BRGY

BUGNAY

CORDILLERA PROVINCIAL POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

GAYUNMAN

MAGALONG

SITIO WA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with