^

Probinsiya

Lolo kritikal sa sumpak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Philippines – Dahilan lamang sa pag-aagawan ng tubig sa irigasyon ng lupang sakahan, nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 68-anyos na magsasaka matapos na barilin ng kaniyang kapwa matandang nakaaway sa kanilang sakahan sa bayan ng San Isidro, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni  Supt. Vicente Valdez ng San Isidro Police ang biktima na si Gregorio Fernandez at  ang suspek ay nakilala namang si Geronimo Velasco, 60 kapwa magsasaka sa nasabing Barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang matanda kaugnay sa pag-uunahan ng mga ito sa pagbukas ng patubig ng irigasyon sa kanilang sakahan na kalimitan ikinatutuyo ng bukirin ng isa sa kanila.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay inilabas ng suspek ang sumpak nitong de-sabog at pinaputukan ang biktima na bagaman nagawa pang makatakbo ay hinabol at muling pinaputukan.

Nahinto lamang sa pagwawala ang suspek matapos na awatin ng taumbayan habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima.

Bagsak kalaboso na ang suspek na sinampahan ng kasong frustrated murder.

BAGSAK

DAHILAN

GERONIMO VELASCO

GREGORIO FERNANDEZ

ISABELA

KINILALA

LUMALABAS

SAN ISIDRO

SAN ISIDRO POLICE

VICENTE VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with