^

Probinsiya

Alitan sa lupa: Mag-asawa kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang dahilan sa alitan sa lupa ng brutal na pagtatagain ang isang mister ng kaniyang tiyuhin at pinsan habang nasa kritikal namang kondisyon ang misis nito sa Brgy. Manalo, Amulung, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Agunoy, 36-anyos na naputulan ng kanang braso sa insi­dente na pinaniniwalaang tinangay ng mga asong gala matapos na ‘di matagpuan sa crime scene.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pa­gamutan ang misis nitong si Jessica na nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan at bahagi ng ulo.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad pauwi ang mag-asawa ng harangin ang mga ito ng mag-amang suspek na sina Nestor Agunoy, 51, tiyuhin ng biktima at pinsang si Robinson, 27-anyos.

Agad dinaluhong ng taga ng mga suspek ang mag-asawa na agarang ikinasawi ni Richard.

Lumilitaw na isang lumang alitan na hinihinalang may kinalaman sa alitan sa lupa ang motibo ng pananaga sa mag-asawa habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Nasakote naman sa follow-up operation ang mag-amang suspek matapos na makorner ng mga awtoridad habang papatakas.

AMULUNG

BRGY

JESSICA

KINILALA

LUMILITAW

MANALO

NASAKOTE

NESTOR AGUNOY

PATULOY

RICHARD AGUNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with