TABUK CITY, Philippines - Hindi na umabot sa paggunita ng All Saints’ Day ang 33-anyos na minero matapos magbaril sa ulo at namatay sa Sitio Bullallayao, Barangay Pantikian, sa bayan ng Balbalan, Kalinga kamakalawa. Kinilala ni SPO1 David Tangdol ang biktima na si Alfredo Puyao Jr. kung saan isa sa mga motibong sinisilip ng pulisya ay ang labis na pagdamdam sa pagpapahinto ng lokal na pamahalaan sa operasyon ng small scale mining na nakakaapekto sa mga residente.