^

Probinsiya

Bangka lumubog: 2 estudyante nalunod

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines  – Namatay ang 15-anyos na babaeng estudyante habang nawawala naman ang kanyang kaklase na pinaniniwalaan ding nalunod matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa malakas na agos ng ilog sa Barangay Batangan sa bayan ng General Nakar, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Anilou Astrera, 4th year  student sa Batangan National High School habang patuloy na  hinahanap ng search and retrieval operation ang isa pang biktima na si Reynalyn Ebrada, 16, kapwa nakatira sa Barangay Maigang.

Ayon kay PO3 Mark Anthony Aumentado, naglayag ang bangka ng mga  biktima para tumawid sa kabilang pampang na may layong 100 metro nang balyahin ng malakas na agos ng tubig-ilog pagsapit sa kalagitnaan.

Nawalan ng kontrol ang timonerong si Romeo Supremo, 47, ng Barangay Ba­tangan kaya tuluyang lumubog.

Nagkanya-kanyang la­ngoy ang mga sakay ng bangka upang iligtas ang kanilang sarili subalit dahil sa hindi marunong lumangoy ang dalawang estudyanteng babae ay kapwa sila nilamon ng ilog.

Nasa himpilan ng pulisya sa bayan ng General Nakar si Supremo habang iniimbestigahan.

ANILOU ASTRERA

AYON

BARANGAY BA

BARANGAY BATANGAN

BARANGAY MAIGANG

BATANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

GENERAL NAKAR

MARK ANTHONY AUMENTADO

REYNALYN EBRADA

ROMEO SUPREMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with