^

Probinsiya

4 dakma sa illegal recruitment

Ni Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines  – Apat-katao kabilang ang 60-anyos na Hapones na sinasabing nakapambiktima ng 30-katao sa illegal recruitment ang dinakma ng mga awtoridad sa inilatag na entrapment operation sa Barangay Camachili, Orion, Bataan  kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Elmer Santiago, hepe ng Orion PNP, ang mga suspek na sina Marissa Mangerra, 50,  ng Terry Town Subd.; Michael Campuchino, 28, ng Malussac; Eduardo Morales, 50, ng Lot 6 Villa Carolina at ang Hapones na si Hitoshi Goto, ng Terry Town Subd. sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PO2 Bienvenido Viray, umaabot sa 30-katao mula sa mga bayan ng Orion, Mariveles at Abucay na rekrut ng mga suspek kung saan pinangakuan ng trabahong mananahi sa Japan  noong Agosto 2012 sa halagang P.3 milyong kada isa bilang placement fee.

Nabatid din ng pulisya na walang lisensya ang grupo para mag-rekrut patungong Japan kaya inilatag ang ope­rasyon kung saan nadakip ang mga suspek na lulan ng van na may plakang XMF 994.

BARANGAY CAMACHILI

BIENVENIDO VIRAY

CHIEF INSP

EDUARDO MORALES

ELMER SANTIAGO

HAPONES

HITOSHI GOTO

MARISSA MANGERRA

MICHAEL CAMPUCHINO

TERRY TOWN SUBD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with