^

Probinsiya

Rookie cop nagbaril sa ulo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pakikipagtalo sa kaniyang misis sa tuition fee ng kaniyang pinag-aaral na kapatid kaya nag-suicide ang bagitong pulis matapos magba­ril sa ulo sa Purok 5, Barangay Banlic sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa ospital sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa sentido ang biktimang si PO1 Kerwin John Ticao ng Biñan City PNP.

Sa ulat ni P/Supt. Leo Luna, hepe ng Calamba City PNP, naganap ang insidente bandang alas-9:30 ng ­umaga sa loob ng tahanan ng biktima sa nasabing barangay.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at misis nitong si Michelle dahil sa mataas na bayarin sa tuition fee ng kaniyang kapatid na si Christine Anne na kanyang pinag-aaral.

Kasunod nito ay inumaga ng uwi ang biktima kaya nagkaroon na naman ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa nasabing isyu.

Dito na nagkulong  sa palikuran ang nairitang biktima at ilang saglit pa ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan nagpatiwakal ito.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang cal. 45 pistol at basyo ng bala na sinasabing ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY BANLIC

CALAMBA CITY

CAMP CRAME

CHRISTINE ANNE

DITO

IDINEKLARANG

KERWIN JOHN TICAO

LEO LUNA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with