^

Probinsiya

3 estudyante utas sa road mishap

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY – Tatlong estudyante ang iniulat na nasawi sa dalawang magkakahiwalay na insidente ng banggaan na kinasangkutan ng kanilang sinasakyang mga motorsiklo sa bayan ng Tumauini, Isabela at lungsod na ito kamaka­lawa.Kinilala ni Supt. Vicente Valdez, Chief Investigator ng Isabela Police ang mga nasawi sa banggaan sa Brgy. Uno, Tumauini na sina Andy Boy Fulgencio at Marvin Marquez, kapwa 16-anyos na high school student na residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na angkas ni Fulgencio si Marquez at isa pang kaklase na si Jordan Gatan patungo sa paaralan nang umagaw ng linya ang mga kabataan at sumalpok sa kasalubong na rumaragasang close van na minamaneho ni Gaudencio Eugenio, 46 ng Angeles City, Pampanga.Tumilapon ng ilang metro ang mga biktima at siyang ikinamatay agad nina Fulgencio at Marquez samantalang nakikipagbuno naman kay kamatayan si Gatan sa pagamutan.Agad naman sumuko sa pulisya ang driver ng close van matapos ang insidente.

Samantala sa Tuguegarao City, patay naman si Romulo Darauay Jr.,18, isa ring estudyante na nakiangkas lamang sa motorsiklo ni Melanio Salazar, 21, matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumalpok sa isang poste ng kuryente kamakalawa sa Brgy. Namambalan Norte sa nasabing lungsod.

vuukle comment

ANDY BOY FULGENCIO

ANGELES CITY

BRGY

CHIEF INVESTIGATOR

FULGENCIO

GAUDENCIO EUGENIO

ISABELA POLICE

JORDAN GATAN

MARQUEZ

MARVIN MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with