^

Probinsiya

Mister tinodas habang nakikipag-chat

- Francis Elevado - The Philippine Star

CAMARINES NORTE, Philippines – Nakikipag-chat pa sa internet ang isang 42-anyos na mister nang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng dalawang mga armadong holdaper na nanloob sa isang computer shop sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gabriel Bartolome, na nagkataong nag-iisang kustomer sa Daydem Computer Shop sa Brgy. Bagumbayan Sur ng lungsod na pinasok ng mga holdaper na agad nagdeklara ng holdap.

Sa pahayag sa mga awtoridad ng caretaker ng computer shop na si Froilan Alden, dalawang lalaking nasa impluwensya ng alak na pawang armado ng patalim ang sangkot sa panghoholdap.

Nakasuot pa ng head seat at abala sa pakikipag-chat sa internet si Bartolome kaya hindi nito napansin ang komosyon sa loob ng internet shop kung saan nilimas ng mga holdaper ang P400.00 na kita ng establisyemento.

Sa pag-aakala ng mga suspek na nakilala sila ng biktima ay agad itong inundayan ng saksak sa tagiliran saka mabilis na nagsitakas. 

vuukle comment

BAGUMBAYAN SUR

BARTOLOME

BRGY

CAMARINES SUR

DAYDEM COMPUTER SHOP

FROILAN ALDEN

GABRIEL BARTOLOME

KINILALA

NAGA CITY

NAKASUOT

NAKIKIPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with