600 ektaryang lupain, ipamamahagi - DAR
QUEZON , Philippines - Nakatakdang ipamahagi ang 600-ektaryang lupain na sakop ng Hacienda Reyes sa mga magsasaka bilang bahagi pa rin ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Disyembre.
Ito ay batay sa ipinahayag ni Atty. Samuel Solomero, PARO-DAR Quezon II sa isinagawang multi-stakeholders dialogue na isinagawa sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City, Quezon noong Huwebes na may temang “Deepening The Gains Of Agrarian Reform And Strengthening Human Rights On The Ground.”
Ang repormang agraryo ay pamamaraang programa kung saan ito ay susing hakbang upang wakasan ang kahirapan sa kanayunan at magkaroon ng resolusyon ang hidwaan sa pagitan ng maliliit na bilang ng mga nagmamay-ari ng lupa at ang milyun-milyong maliliit na magbubukid.
Naging sentro ng usapin ay ang isyu ng lupain sa Bondoc Peninsula, ikatlong distrito ng Quezon. May 10 landholdings ang napapaloob sa 600-ektaryang pagmamay-ari ni Domingo Reyes sa Barangay Villa Reyes, San Narciso, Quezon kung saan ang 8-landholdings ay nasa estado ng valuation ng LandBank of the Philippines, ang isa naman ay for subdivision survey samantalang ang isang landholdings ay naghihintay na lang ng approval para sa survey plan.
- Latest
- Trending