^

Probinsiya

Sasakyan ng bise alkalde, niratrat

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sugatan ang barangay chairman at driver nito matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan ang sasakyan ng vice mayor sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Army’s 104th Infantry Brigade Commander Col. Car­lito Galvez, si Chairman Janggo Abdulmajid ng Brgy. Banah ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang ang driver nitong si Ahmad Alun ay tinamaan sa kaliwang  braso kung saan naisugod sa St. Peter Hospital.

Nilinaw naman ni Galvez na hindi nasuga­tan si Tipo-Tipo Vice Mayor Shuaib Marahil sa mga naunang ulat dahil hindi naman ito lulan sa sasakyan na ipinahiram lamang nito kay Chairman Abdulmajid.

Nabatid na ang mga biktima ay galing sa La­mitan City at papauwi na sa Poblacion nang tambangan bandang alas-5:10 ng hapon.

Pinaniniwalaan namang ang target ng pana­nambang ay ang bise alkalde kaugnay ng katatapos na pagsusu­mite ng certificates of candidacy (COC) ng mga kandidato kung saan reelectionist ang nasa­bing opisyal.

vuukle comment

AHMAD ALUN

BANAH

BASILAN

BRGY

CHAIRMAN ABDULMAJID

CHAIRMAN JANGGO ABDULMAJID

GALVEZ

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL

ST. PETER HOSPITAL

TIPO-TIPO VICE MAYOR SHUAIB MARAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with