7 pulis-Ifugao, pinarangalan

LAGAWE, Ifugao, Philippines  – Pitong pulis-Ifugao ang binigyan ng parangal bilang pagkilala sa katapatan sa serbisyo matapos maaresto ang mga wanted person at pagsuko ng isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army.

Pinangunahan ni P/Supt. Ramil Saculles ang pagbibigay ng medalyang Meritorious Leadership Award sa magkakasunod na accomplishment sa loob lamang ng dalawang buwan nitong panunungkulan bilang officer-in-charge ng Ifugao provincial police office.

Ginawaran din ng pa­rangal sina P/Senior Inspector Michael Bongtayon, P/Inspector Alyson ­Kala­ngad, SPO3 Vermose Atluna, SPO1 Macario Dulawan, PO2 Jimmy Binwag at si PO2 Anthony Bunoan.

“They were cited for diligence and dedication to duty, which resulted in the eventual arrest of a number of Ifugao’s top most wanted persons as well as the surrender of a ranking New People’s Army officer in the province,” pahayag ng Cordillera PNP. 

Personal naman na iginawad nina Ifugao Gov. Eugene Balitang at P/Senior Supt. Roberto Soriano ang mga parangal sa nasabing mga pulis.

Show comments