^

Probinsiya

3 guro nilamon ng ilog; 2 pa nawawala

Nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos - The Philippine Star

BATANGAS, Philippines  – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng tatlong guro kabilang ang isang principal habang dalawang iba pa ang nawawala matapos tangayin ng malakas na agos ang kanilang sasakyan habang tumatawid sa Jaybanga River sa Barangay Nagtalungtong sa bayan ng Lobo, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Joselito de Chavez ang mga nasawing guro na sina Emiliana Lontoc, Nelia Guico at si Menchie Gayeta na pawang mga guro sa Barangay Apar Elementary School.

Samantala, pinaghahanap naman ang gurong si Jona Driz at  ang driver ng jeep na si Efren Lontoc.

Ayon sa police report,  papauwi na ang mga biktima sakay ng owner-type jeep matapos dumalaw sa lamay ng kaibigang namayapa sa Barangay Jaybanga nang mabalahaw ang kanilang sasak­yan sa gitna ng ilog bandang alas-7 ng gabi.

Dahil sa lakas ng agos, tinangay ng rumaragasang tubig ang sasakyan kasama ang mga teacher hanggang matagpuan ang bangkay ng head teacher na si Emiliana Lontoc sa bahagi ng Barangay Ulo-Ulo habang narekober naman sa may Barangay Jaybanga ang bangkay nina Guico at Gayeta.

Patuloy namang nagsasagawa ng rescue operation ang mga pulis at barangay officials para hanapin ang nawawalang sina Driz at Lontoc.

vuukle comment

BARANGAY APAR ELEMENTARY SCHOOL

BARANGAY JAYBANGA

BARANGAY NAGTALUNGTONG

BARANGAY ULO-ULO

DRIZ

EFREN LONTOC

EMILIANA LONTOC

JAYBANGA RIVER

MENCHIE GAYETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with