Puganteng rapist, arestado

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 60-anyos na lolong ex- overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing gumahasa sa 7-anyos na anak na babae ng kaniyang dating ka-live-in matapos madakma ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Domoit sa Lucena City, Quezon kamakalawa. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Robert Bolaños na ikasuhang humalay sa anak na babae ng dating ka-live-in noong 2004. Nadiskubre lamang ang pangmomolestiya noong 2009 matapos na magsumbong sa kaniyang ina ang bata. Si Bolaños na sinasabing ika-9 na most wanted ay nadakma ng pangkat ni P/Chief insp. Joel Mesa sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa kasong rape at 3 counts ng child abuse na inisyu ng Lucena City Regional Trial Court.

Show comments