^

Probinsiya

Landslide: 140 katao naapektuhan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa 28 pamilya (140-katao) ang naapektuhan matapos manalasa ang landslide sa Sitio Panamukad, Barangay San Jose sa Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Silvestre Asiong, operations officer ng Malaybalay City PNP, naganap ang pagguho ng lupa bago mag-alas – 6 ng gabi.

Nabatid  na katatapos lamang maghapunan ng mga residente habang ang iba naman ay naghahanda na para matulog nang makarinig ng malakas na dagundong mula sa bundok.

Kasunod nito ay rumagasa ang lupa mula sa bundok kung saan ay natabunan habang ang iba naman ay nawasak ang kabahayan sa paanan ng dalisdis.

Sa pahayag naman ni Josephine Lumacam, ­executive officer ng Office of Civil Defense Region 10, wala namang naiulat na natabunan, nasawi o malubhang nasugatan sa insidente.

Pansamantala namang inilikas sa Mabuhay Elementary School sa Brgy. San Jose ang mga naapektuhang residente at namahagi na rin ng relief goods ang lokal na pamahalaan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN JOSE

JOSEPHINE LUMACAM

MABUHAY ELEMENTARY SCHOOL

MALAYBALAY CITY

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

SAN JOSE

SENIOR INS

SILVESTRE ASIONG

SITIO PANAMUKAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with