^

Probinsiya

Mag-asawang Gordon sa Zambales at Gapo

- Randy Datu at Alex Galang - The Philippine Star

OLONGAPO CITY , Philippines  – Nagsumite na ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec sa bayan ng Iba, Zambales si Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr. na tatakbo sa congressional race sa 1st district ng Zambales laban sa mga karibal na sina Jobo Magsaysay at ex-Subic Mayor Jeffrey Khonghun sa Mayo 2013 midterm elections.

Sinamahan si Gordon ng asawang si Anne Marie at mga suporter kung saan pormal na nagsumite ng kandidatura sa Comelec kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang serbisyo sa 1st distrito na matagal na niyang pinagsilbihan.

Si Gordon (Liberal Party) ay naging kongresista ng 1st District mula 1995 hanggang 2004 ay bumilis ang pag-unlad ng Olongapo City at mga bayan ng San Marcelino, Castillejos at Subic sa ilalim ng kanyang programang Health, Housing, Education, Labor, Livelihood, Peace and Order, Social Services at Sports (HELPS).

 “Ang layunin natin ay umabot sa mas maraming tao ang Gordon HELPS program at gagawin ang lahat ng pagsisikap bilang kongresista ng unang distrito lalo’t buong ang suporta sa atin si Pangulong Aquino,” ani Gordon.

Nagsumite rin ng kandidatura si Anne Marie Gordon sa mayoralty race sa Olongapo City kung saan nangakong itutuloy ang mga inisyatiba ng kanyang mister at paiigtingin ang programang pangkalusugan at pag­likha ng trabaho para sa mga residente.

Kasabay ni Anne Marie na nag-file ng kandidatura si Vice Mayor Rodel Cere­zo at ang mga miyembro ng konseho ng Olongapo. Randy Datu at Alex Galang

ALEX GALANG

ANNE MARIE

ANNE MARIE GORDON

COMELEC

GORDON

GORDON JR.

JOBO MAGSAYSAY

LIBERAL PARTY

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with