23 tiklo sa illegal fishing

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang 23 mangingisda matapos arestuhin ng mga awtoridad sa kasong illegal fishing sa karagatan ng Mercedes sa Camarines Norte kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Allan Docyogen, hepe ng Mercedes PNP, nasabat ang F/B J-Recho na may 11 mangingisda kabilang na ang kapitan ng bangka na si Ruel Caña. Nasabat din ang F/B Rey Carlo na may lulang 11-katao kabilang na ang kapitan na si Pedro Painogan ng Quezon.  Ayon kay Docyogen, ang dalawang fishing boat ay sinasabing pag-aari ni Serapio Villapando ng Brgy San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Nasamsam naman ang 50 styrofoam na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda at mga fishing paraphernalia.

Show comments