Tinedyer tinodas ng pinsan

KABACAN, North Cotabato City, Philippines – Napatay ang dalagitang tinedyer na sinasabing out-of-school youth matapos pagbabariin ng kanyang pinsang lalaki sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang biktima na si Lorna Tagura, 17, ng Sinamar-One.

Samantala, tinutugis naman ang suspek na si Nonoy Tagura na sinasabing pinsang-buo ng biktima. Ayon kay Ajero, nagtalo ang magpinsan sa hindi nabatid na dahilan kaya pinagbabaril nito ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa ‘di-malamang direksyon.

Show comments