Mag-asawa, 2 anak nalason sa lechon

MANILA, Philippines - Nalason ang mag-asawa at dalawa nitong anak matapos maghapunan ng lechong baboy sa Davao City, Davao kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Arman Villarosa, 37; Anjanette Villarosa, Ella Marie, 12; at si Agjanus Villarosa, 7, pawang nakatira sa Barangay Bunawan. Sa ulat ng Davao City PNP, lumilitaw na binigyan ng kanilang kapitbahay ang pamilya Villarosa ng lechong baboy na ini­ulam naman ng mga ito sa hapunan. Gayon pa man, ilang oras matapos maghapunan ay namilipit sa sakit ng ulo, tiyan ang mga biktima kaya isinugod sa Southern Philippines Medical Center. Isasailalim naman sa pagsusuri ang sample ng kinaing lechon ng mga biktima.

Show comments