RIZAL , Philippines - Pormal nang naghain ng certicates of candidacy (COC) si Rizal Governor Casimiro Ynares III sa mayoral race sa Antipolo City, Rizal kahapon.
Kasama ni Ynares na pagtungo sa local na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang kaniyang mga katiket sa pangunguna ng runningmate na si incumbent Vice Mayor Susan Garcia Say.
Inaasahang makakasagupa ng Ynares-Say tandem ang re-electionist na si incumbent Mayor Nilo Leyble at ang kaniyang runningmate na si Ronaldo Leyva. Bukod kina Ynares at Say, naghain na rin ng certificates of candidacy sina incumbent Congressman Robbie Puno at Romeo Acop sa congressional race sa 1st at 2nd district sa Antipolo City.
Sa hanay naman ng mga konsehal ay naghain din COC sina incumbent Councilor Marvin Garcia, Adiong Reyes, ex-Board Member Ronald Barcena, Barangay Bagong Nayon Chairman Mae Biagtan, Arnel Camacho, Boy Beltran, Robert Altamirano at Lemuel Zapanta sa 1st district habang sina incumbent Councilor Eddie Lagasca, Christian Alarcon, Barangay Chairman aptain at ABC Chairman Lonie Leyva, Lorraine Gatlabayan, Edwin Avilla, Paui Tapales at si Philip Acop.