Opisyal ng pulis niratrat sa binyagan

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 36-anyos na opisyal ng pulisya at kaibigan nitong barangay kagawad matapos ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa binyagan sa Barangay San Lorenzo sa bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gregorio Notto Lim ang mga biktima na sina P/Senior Insp. Marcelito Garcia ng Isabela PNP sa Ilagan City; at Kagawad Mario Apolonio, 49, habang sugatan naman ang mga kumpare nitong sina Eduardo Corpuz, 50, ng Barangay Imurung sa bayan ng Baggao; at Ronnie Fernando, 38, ng Barangay Ugac Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na kinantahan ni Garcia ang anak na bininyagan nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Nagpanakbuhan naman ang mga bisita sa binyagan kung saan nadamay na tamaan ng mga bala ng baril sina Apolonio, Corpuz at si Fernando habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments