Kawani ng kapitolyo, nilikida

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Napatay ang 47-anyos na kawani ng provincial government matapos ratratin ng ’di-kilalang lalaki sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kahapon ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Alcala ng San Fernando Compund sa nasabing barangay. Sa pagsisiyasat ni PO3 Randy Buenaventura, patungo sa St. Jude Compound ang biktimang nagmomotorsiklo nang ratratin sa gate ng subdivision. Nang bumagsak ang biktima ay kinuha ng gunman ang motorsiklo saka tumakas kung saan inabandona naman ang sasakyan sa bisinidad ng Granja Street sa Barangay 7. Ayon kay P/Supt. Rufina Baldovino ng Scene of the Crime Operatives, narekober sa bulsa ng biktima ang ilang drug paraphernalias at P40,000 cash.

Show comments