^

Probinsiya

Political meet sinalakay: 3 bulagta

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagsisimula pa lamang ang pagsusumite ng certificates of candidacy ng mga kandidato sa iba’t ibang posisyon ay sumiklab na ang matinding kaguluhan sa Zamboanga del Sur matapos mapatay ang tatlo-katao sa pagitan ng dalawang kampo ng  mga supporter ng angkan ng dalawang pulitiko sa bayan ng Midsalip, kamakalawa.

Sa ulat ni Zamboanga del Sur Provincial PNP Office Director P/Senior Supt. William Manzan, kinilala ang mga napatay na sina Chairman Noeh Rosing ng Barangay Pawan at anak nitong si Banjing Rosing, political manager ng kampo ng mga Jalosjos at pinsan nitong si Daniel Rosing.

Nabatid na ang mag-ama ay supporter ng mga Jalosjos habang ang ka­anak pa mismo na si Daniel ay sa kalaban sa pulitika na ang angkan ng mga Cerilles sumusuporta.

Samantala, kinilala naman ang mga nasugatan na sina Willy Pertino at Belito Rosing.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-4 ng hapon ng sumiklab ang karahasan matapos na dumalo ang mag-amang Rosing sa pagtitipon ng Nacionalis­ta Party sa Pagadian City kung saan sinalakay ng grupo ni Daniel.

Agad na sinaksak ni Da­niel si Noeh bago ito binaril habang gumanti naman si Banjing na ikinasawi ni Daniel at napatay naman ng kasamahan ni Daniel si Banjing.

Sinasabing ikinagalit ni Daniel ang pagbaliktad ng suporta ng mag-ama kay Cerilles na pumunta sa kalaban nitong pulitiko sa angkan ng mga Jalosjos.

BANJING

BANJING ROSING

BARANGAY PAWAN

BELITO ROSING

CERILLES

CHAIRMAN NOEH ROSING

DANIEL ROSING

JALOSJOS

OFFICE DIRECTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with