^

Probinsiya

Sanggol ginilitan ng ina

- Dino Balabo - The Philippine Star

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng 20-anyos na ina matapos gilitan at mapatay ang kanyang anak na 18-araw na gulang sa Barangay Parulan sa bayan ng Plaridel, Bulacan, ayon sa pulisya.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Rubie Ann Luminate matapos gilitan ang kanyang anak na si Jerryson Balita.

Napag-alamang isinilang ang biktimang si Jerry­son na may bingot noong Setyembre 9, 2012 ngunit hindi ito matanggap ng ina kaya halos dalawang araw pa lamang ay tinangka na itong saksakin ng gunting sa dibdib.

Naisugod sa ospital ang sanggol at nakaligtas subalit noong Biyernes (Sept.14) ay muling isinugod sa ospital matapos gilitan ng ina.

Lumilitaw na narinig ni Jan Carla Villamar ang ma­lakas na iyak ng kanyang pinsang si Jerryson kaya inusisa nito kung saan bumulaga sa kanya ang baby na umaagos ang dugo mula sa leeg.

Agad na isinugod sa Bulacan Medical Center ang sanggol subalit matapos ang 13-araw ay tuluyan na itong pumanaw noong Huwebes (Sept. 27) kung saan inihatid na sa hu­ling hantungan sa Plaridel Public Cemetery kahapon ng umaga.

Tumanggi namang magbigay ng paliwanag ang ama ng ka-live-in ng suspek sa hindi nabatid na dahilan.

vuukle comment

BARANGAY PARULAN

BIYERNES

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

HUWEBES

JAN CARLA VILLAMAR

JERRYSON

JERRYSON BALITA

PLARIDEL PUBLIC CEMETERY

RUBIE ANN LUMINATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with