Lider ng NPA dedo sa bakbakan

 CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napatay ang isa sa lider ng rebeldeng  New People’s Army matapos makasagupa ang tropa ng militar at pulisya sa liblib na bahagi ng Sitio Managanaga sa Barangay Oma-Oma sa Ligao City, Albay kahapon ng umaga. Nakilala ang napatay na si Antonio “Eddie” Perelonia na iniwan ng kanyang mga kasamang rebelde. Batay sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang pwersa ng pamahalaan nang makasagupa ang grupo ng NPA na sinasabing nangongolekta ng revolutionary tax sa mga residente. Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang cal. 45 pistol, personal na gamit at  ilang mahahalagang dokumento ng mga rebelde. 

Show comments