^

Probinsiya

Lolo, lola at pamangkin minasaker ng tibo

- Joy Cantos - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang dep­resyon matapos na kalasan ng girlfriend, minasaker ng 22-anyos na tomboy ang kaniyang lolo, lola at pamangking lalaki habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa Barangay Panacan, Davao City kahapon ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni SPO1 Leonardo Caibot, desk officer ng Sasa PNP ang mga napaslang na biktimang sina Fidel Liloc, 75; misis nitong si Teodora Liloc, 74; at 2-anyos na pamangking si Christian Mark Campano.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Christine Mae Campano, 11; at ang sanggol na si Kathleen Campano, 1 buwan.

Arestado naman ng pulis ang suspek na si Marivic Liloc na apo ng pinaslang nitong mag-asawang matanda at tiyahin ng mga bata.

Base sa imbestigasyon, naganap ang malagim na krimen sa Block 6, Lot 7, Pi­zarro Village bandang ala-una ng hapon.

Sa presinto, nagdilim umano ang isip ng suspek na ayon sa mga kamag-anak nito ay kinalasan ng kaniyang minamahal na syota na naka­tagpo na ng lalaking ipinalit sa suspek.

Dahil sa matinding galit ay kinuha ng suspek ang  matalim na kutsilyo sa kusina ng kanilang tahanan at pinagsasaksak ang mga biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong 3 counts ng parricide at dalawang counts ng frustrated parricide ang suspek na kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal.

vuukle comment

BARANGAY PANACAN

CHRISTIAN MARK CAMPANO

CHRISTINE MAE CAMPANO

DAHIL

DAVAO CITY

FIDEL LILOC

KATHLEEN CAMPANO

LEONARDO CAIBOT

MARIVIC LILOC

TEODORA LILOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with