^

Probinsiya

Buntis na misis kinatay ng bayaw

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahilan sa pag-awat sa nag-aaway na bayaw at kapatid, nasawi ang apat na buwang buntis na misis na naputulan pa ng dalawang kamay makaraang pagtatagain ng nabur­yong na mister sa bayan ng Madalag, Aklan kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Jenelyn Apolinario, 21, residente ng Poblacion  ng bayang ito. Patuloy namang ginagamot ang sugatang si Laura  Apolinario, nakatatandang kapatid ni Jenelyn na nagtamo ng mga sugat sa katawan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Pedrio Escarilla, naganap ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi matapos na mag-away ang mag-asawang Laura at ang suspek na si Jose Nagamos alyas Tongtong sa tahanan ng mga ito sa Barangay Napnot. Ayon sa imbestigasyon, nadatnan ni Jenelyn na nag-aaway ang bayaw at ang kaniyang ate kung saan sa kamalasan ay ito ang pinagbalingang pagtatagain ng suspek kung saan mabilis namang nakatakas. 

vuukle comment

AKLAN

APOLINARIO

AYON

BARANGAY NAPNOT

DAHILAN

JENELYN

JENELYN APOLINARIO

JOSE NAGAMOS

PEDRIO ESCARILLA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with