Negosyante tiklo sa buy-bust

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 30-anyos na negosyante makaraang dakmain ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa pampang ng ilog Cagayan sa Barangay Centro sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang suspek na si Barcy Sabdullah, tubong Marawi City at nakatira sa Barangay Centro sa nabanggit na lungsod. Nasamsam sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments