Lider ng kababaihan pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Niratrat at napatay ng mga ‘di-kilalang kalalakihan ang 50-anyos na lider ng mga kababaihan sa isa na namang karahasan sa Barangay District 2 sa bayan ng Benito Soliven, Isabela kamaka­lawa. Kinilala  ni P/Senior Supt. Franklin Mabanag ang biktima na si Clarina Reyes na isa ring coordinator sa women’s desk ng Social Action Center ng Dioceses sa Ilagan City. Lumalabas sa imbestigasyon na pinasok ang tindahan ng biktima kung saan inakala ng mga imbestigador na robbery ang motibo. Gayon pa man, wala namang tinangay ang gunmen kaya sinasabing isa sa motibo ay ang asunto sa lupa. Nabatid rin na aktibo ang biktima sa mass actions laban sa illegal logging at land grabbing sa kanilang lugar.

Show comments