Mag-utol na killer timbog

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan – Bagsak kalaboso ang magkapatid na lalaki matapos na maaresto ang mga ito kahapon kaugnay ng kaso ng pamamaslang sa kanilang nakaalitan at bigong pagpatay naman sa kapatid nito noong Disyembre 2011.

Kapwa nahaharap sa kasong homicide at frustrated homicide  na kinilalang sina Raymart Dulalia, 21-anyos at Raymund Dulalia, 20.

Ang mga ito ay itinurong sangkot sa pagpatay sa biktimang si Sammy Regis, 18 at malubhang pagkasugat ng kapatid nitong si Crispin; pawang ng Brgy. Libtong sa siyudad na ito.

Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Sidney Villaflor sa magkahiwalay na lugar base sa ipinalabas na mga warrant of arrest ni Judge Olivia Escubio-Samar ng RTC Br.79 sa Malolos City at kasalukuyan ng nakadetine sa piitan ng BJMP-Meycauayan City.

Base sa rekord ng korte naganap ang pamamaslang dakong alas-11:30 ng gabi noong bisperas ng Bagong Taon sa Brgy.Libtong kungsaan nakasalubong ng magkapatid na suspek ang magkapatid na biktima kasama ang kaibigan nilang si Joel Evangelista, 22, na residente din ng naturang lugar na humantong sa rambulan na ikinasawi ng biktima at ikinasugat ng isa pa.

Show comments