^

Probinsiya

Kalaguyo ni misis kinatay ni mister

- Tony Sandoval - The Philippine Star

GUINYANGAN, QUEZON – Pinagtataga ng isang mangingisda ang kanyang kapwa mangingisda matapos na mahuli sa aktong nakikipaghalikan sa kanyang misis sa Sitio Nabangka, Brgy. Cabuluan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Patay agad sa pinangyarihan ng krimen dahil sa dami ng tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Hermie de Vera, 42, biyudo ng Brgy. Capuluan habang tumakas naman ang suspek na si Christopher Mendoza at bagamat pinagtaksilan na ay isinama pa rin nito ang kanyang misis na si Genelyn.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi ay kagagaling lamang ng suspek buhat sa pangingilaw subalit nakita niya sa aktong naghahalikan ang kanyang asawa sa biktima sa likuran ng kanilang bahay.   

Sa silakbo ng galit ay binunot ng suspek ang gulok mula sa beywang at pinagtataga hanggang mapatay ang biktima. Naiwan sa crime site ang cell phone ng biktima na may mga text messages ng umanoy pakikipag-relasyon nito sa misis ng suspek.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CABULUAN

CAPULUAN

CHRISTOPHER MENDOZA

GENELYN

NAIWAN

PATAY

PINAGTATAGA

SITIO NABANGKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with