Magkaibigan nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang magkaibigang lalaki matapos ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa gilid ng ilog sa Barangay Luluasan sa bayan ng Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga biktima na sina Rudy Carmona , at Eddie Coralde, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na magkasamang nangingisda sa ilog ang magkaibigan nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-9:30 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilangbasyo ng cal. 45 pistol at cal. 9mm revolver.

Show comments