Trader itinumba ng tandem

BATANGAS, Philippines - Napatay ang 27-anyos na negosyante na dating seaman matapos itong pagbabarilin ng riding-in- tandem sa parking area ng gasolinahan sa Barangay Gulod Labac, Batangas City, Batangas kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Nicolas Torre III, hepe ng Batangas City PNP, lumilitaw na nakaupo sa driver’s seat ng Ford Everest ang biktimang si Jayson Catapang sa nasabing gasolinahan sa Gov. Carpio Road nang lapitan at ratratin ng tandem. Hindi naman nasugatan ang kasamang babae ni Catapang sa naganap na pamamaril. Agad namang isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital ang biktima pero idineklarang patay.

Show comments