Kuya pinugutan ni bunso

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 31-anyos na kuya matapos itong pugutan ng kanyang bunsong utol na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Piggatan, Alcala, Cagayan kamaka­lawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Marcos Gannaban habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Efren Gannaban, 21, kapwa magsasaka at nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang mag-utol at ilang kapitbahay nang malango at mangulit ang biktima kung saan hinahanap ang matalim nitong itak. Nabatid na walang sinasanto sa pamilya ang biktima at hinahamon nito ng patayan kapag nalalango sa alak. Gayon pa man, sa sobrang pag-aalipusta ng biktima sa suspek ay nagawang pugutan ang kanyang kuya na lango sa alak.

Show comments