Magsasaka natusta sa kidlat

CAUAYAN CITY, Isabela – Animo’y tinustang manok ang katawan ng 22-anyos na magsasaka matapos itong tamaan ng kidlat habang naglalakad kasama ang kaibigang magsasaka sa gitna ng ulan sa Barangay Sta. Luciana sa bayan ng Quirino, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Gerald Renan habang himala namang nakaligtas ang kasabay nito sa paglalakad na si Christener Perez na sa ngayon ay nagpapagaling sa ospital dahil sa pagkasunog ng ilang bahagi ng katawan.

Show comments