Misis na may epilepsy, nalunod

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 33-anyos na misis na sinasabing may epilepsy makaraang atakihin ito ng kanyang sakit bago nahulog sa umaagos na sapa habang nangingisda sa Barangay Baybayabas, Talugtog, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Sa imbestigasyon, nabatid na bandang alas-11:40 ng umaga, nanghuhuli ng isda ang biktimang si Gina Tibay nang biglang sumpungin ng sakit na epilepsy at mahulog sa umaagos na tubig. Hindi naman gaanong malalim ang tubig subalit sa pag-atake ng sakit ay nalunod ang biktima.

Show comments