Barangay treasurer nilikida

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa barangay treasurer  matapos itong tambangan ng mga ‘di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Purok Almasiga, Barangay San Rafael sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:30 ng gabi  nang ratratin ang biktimang si Ibrahim Sapalun Belleng na nakatira sa Barangay Marang sa bayan ng Sumisip. Kasalukuyang pauwi na ang biktimang lulan ng pulang motorsiklo nang tambangan ng mga armadong grupo pagsapit sa nabanggit na lugar. Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang biktima ay sinasabing dating tiktik ng Army’s Special Forces Company.

Show comments