2 holdaper arestado

BULACAN, Philippines  - Dalawang notoryus na holdaper na sangkot sa serye ng holdapan ang magkasunod na naaresto sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jovy Tenido, 32, ng Barangay Kaybiga, Caloocan City; at Kim Carlo San Pedro, 20, ng Barangay Lolomboy. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Diosdado Iniego, bago masakote ang mga suspek ay hinoldap muna nila ang biktimang si Sakattar Singh sa Barangay Lolomboy, Bocaue kung saan tinangay pa ang motorsiklo nito. Dito inilatag ang operasyon laban sa dalawa kung saan nadakma si San Pedro sa Brgy. Abangan Sur, Marilao habang si Tenido naman ay naaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Bundukan, Bocaue.  Nasamsam sa dalawa ang shotgun, replica ng cal.9mm, sachet ng shabu, at motorsiklo ni Singh.

Show comments