Nilikida sa harap ng syota

CAMARINES NORTE  -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng 23-anyos na nursing graduate matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang syota sa seawall ng Bagasbas beach sa bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Ayon kay P/Supt. Winston de Belen ang biktimang si Raymund Gerona ay nagtamo ng pitong tama sa dibdib, mukha at leeg, nursing graduate sa Mabini College at nakatira sa Dimasalang Street, Barangay 8 sa nabanggit na bayan. Naisugod naman sa Camarines Norte Provincial Hospital si Shiera Mae Obmaña, 23, matapos pukpukin sa ulo at nawalan ng malay tao. Nabatid na si Gerona ay umuwi lamang sa kanilang probinsya upang makisaya sa kapistahan ni Mahal na Ina sa Naga City. Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. Francis Elevado

Show comments