^

Probinsiya

Coed niratrat ng ex-bf, todas

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY – Naglaho ang pangarap na makatapos sa kolehiyo ang 4th year college student matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng kanyang dating kasintahan sa Barangay Bingguang sa bayan ng San Pablo, Isabela kahapon.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Cherry Ann Delgado, 19, mag-aaral ng Isabela State University sa kalapit bayan ng Cabagan, Isabela.

Nabatid na nagkala­sug-lasog ang katawan ng biktima dahil sa mga tama ng bala ng Armalite rifle habang nakatakas naman ang suspek na si Rocky Baui, 25, sinasabing maton sa kanilang barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi matanggap ng suspek ang pakikipagkalas ng biktima kaya minarapat nitong utasin na lamang ang dalaga kaysa makitang masaya ito sa piling ng ibang lalaki.

Ayon kay P/Senior Supt. Frank Mabanag, inaalam ng pulisya ang pinanggalingan ng malakas na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang at dahil na rin sa sunud-sunod na patayan sa nasabing bayan na ang gamit ay matataas na kalibre.

Noong nakalipas na linggo lamang, dalawa ang namatay, isa rito ang kamag-anak ni Tuguegarao City Mayor Delfin Ting at dalawa pa sa kamag-anakan ang kritikal pa rin matapos ratratin sa bahagi ng Barangay Simanu Norte.

vuukle comment

BARANGAY BINGGUANG

BARANGAY SIMANU NORTE

CHERRY ANN DELGADO

FRANK MABANAG

ISABELA

ISABELA STATE UNIVERSITY

ROCKY BAUI

SAN PABLO

SENIOR SUPT

TUGUEGARAO CITY MAYOR DELFIN TING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with