^

Probinsiya

Radio announcer pinagtataga, patay

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang radio announcer ng DWRS Radio ng Bayan matapos pagtulungang pagtatagain ng dalawa nitong kainuman sa bayan ng Tayug, Pangasinan noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jovencio Badua, Spokesman ng Ilocos Regional Police Office ang nasawing biktima na si Rizalino Salinas, broadcast program announcer ng nasabing himpilan na nakabase sa Tayug at residente ng Our Lady of Manaoag Subdivision sa bayang nabanggit.a

Sa imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng gabi ng mangyari ang insidente sa Brgy. Trenchera, Tayug matapos makipag-inuman ang biktima sa mga suspek na sina John Mark Callejo at Isagani Alina, 18-anyos gayundin sa saksing si Leo Cabaniza, 19 sa bahay na binabantayan ng caretaker na si Wilson Alina sa nasabing lugar.

Ayon kay Cabaniza, naalimpungatan na lamang umano siya matapos maidlip bunga ng kalasingan sa komosyon sa pagitan ng biktima at ng mga suspek na sina Callejo at Isagani.

Sinabi nito sa mga awtoridad na pinagtulungan ng dalawa na pagtatagain ang biktima na siya nitong ikinasawi saka hinila ang bangkay sa may palayan may 50 metro ang layo sa crime scene.

Ayon pa dito, nilinis pa umano ng dalawang suspek ang crime scene upang pagtakpan ang nangyaring pamamaslang at pinakiusapan siyang huwag silang isuplong sa mga awtoridad pero hindi ito nakayanan ng kaniyang konsensya kaya ini-report sa Tayug Police ang insidente.

Arestado naman sa follow-up operation ng pulisya ang dalawang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

AYON

ILOCOS REGIONAL POLICE OFFICE

ISAGANI ALINA

JOHN MARK CALLEJO

JOVENCIO BADUA

LEO CABANIZA

OUR LADY OF MANAOAG SUBDIVISION

RIZALINO SALINAS

TAYUG

TAYUG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with