^

Probinsiya

22-anyos coed pinatay sa sakal ng kawatan

- Artemio Dumlao - The Philippine Star

LA TRINIDAD, Benguet – Brutal ang pagkamatay ng 22-anyos na kolehiyala matapos itong matagpuan sa bakanteng lote malapit sa Mt. Province General Comprehensive High School sa Bontoc noong Martes ng hapon (Sept.11).

Ayon sa pagsusuri ng pulisya, pinatay sa sakal ang biktimang si Sarah Gemalyn Macholi Becyagen, 2nd year Computer Technician student sa XI JEN College sa nabanggit na bayan.

Sa pahayag ni Mt. Province PNP director P/Senior Supt. William Viteno, pagnanakaw ang isa sa motibo ng mga suspek dahil nawawala ang ilang personal na gamit ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na hu­ling namataang buhay ang biktima na kasama ang kanyang pinsang si Karen Macholi Ticgangay kung saan sinabi nitong nagkahiwalay sila sa harapan ng sangay ng LandBank na may ilang metro ang layo sa kinatagpuan ng bangkay ng dalaga.

Ayon pa sa impormas­yon nakalap ng pulisya, dalawang di-kilalang lalaki na naka-jogging pants na kapwa naka-itim na t-shirt at maskarado ang namataang pagala-gala sa nasabing lugar bago pa madiskubre ang bangkay ng kolehiyala na kinalaunan ay nakilala ng kanyang ama na si Agustin Becyagen matapos dalhin sa Bontoc General Hospital.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kung saan hinihingi ng pamilya ng biktima ang agarang paglutas sa krimen. 

vuukle comment

AGUSTIN BECYAGEN

AYON

BONTOC GENERAL HOSPITAL

COMPUTER TECHNICIAN

KAREN MACHOLI TICGANGAY

MT. PROVINCE

MT. PROVINCE GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

SARAH GEMALYN MACHOLI BECYAGEN

SENIOR SUPT

WILLIAM VITENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with