CEBU CITY , Philippines – Dalawang estudyanteng high school ang nadakma ng pulisya matapos makumpiskahan ng 100 sticks ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Liong sa bayan ng Dumanjug, Cebu noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang isa sa suspek na si Rondel Morales, 20; habang itinago naman sa pangalang Rene, 15, ang kasabwat na kapwa 2nd year high school sa Bitoon National High School. Si Morales ay nakumpiskahan ng 90 sticks ng marijuana habang ang 15-anyos na si Rene ay nasamsaman ng 15 sticks ng marijuana. Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang parahin sa PNP checkpoint. Itinanggi naman ng mga suspek ang akusasyong nagbebenta sila ng marijuana. Freeman News Service