2 Army tumba sa encounter

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  - Dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang malubhang nasugatan matapos makasagupa ang mga rebeldeng New Peoples’ Army sa Sitio Capri Barangay sa bayan ng San Isidro, Bulusan, Sorsogon kamakalawa. Nakilala ang mga nasawi na sina Pfc Romy Dacuro at Pfc Michael Bigay habang sugatan naman sina Cpl. Jaypee Retardo, Cpl Rolando Cruzado, Pfc. Ryan Royales at si Pfc Gilbert Llandelar na pawang nakatalaga sa 31st Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Juban, Sorsogon. Tumagal ng 10-minuto ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde na sinasabing gumanti lamang sa mga sundalo dahil sa pagkakadakip sa kanilang kumander na si Edgardo “Palong” Sevilla noong nakalipas na linggo kung saan napatay naman ang dalawang rebelde sa Brgy. San Vicente Norte sa Iriga City.

Show comments