^

Probinsiya

Sundalo todas sa engkuwentro

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasawi matapos makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na naaktuhang nangingikil sa mga residente sa Barangay Tacayan, Tapaz, Capiz nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Army’s 3rd Infantry Division (ID) Spokesman Major Enrique Gil Ileto, bandang alas-6:30 ng umaga ng maganap ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng 61st (Hunter) Battalion at ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Bago ang engkuwentro ay nakatanggap ng ulat ang tropa ng militar hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na nangha-harass at puwersahang nangingikil ng pera at pagkain sa mga sibilyan.

Agad nagresponde ang isang platoon ng mga sundalo sa pamumuno ni Sgt. Jessie Silvestre na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinabi ni Ileto na sa kasagsagan ng palitan ng putok ay minalas na masawi ang isang sundalo na tumanggi muna nitong tukuyin ang pa­ngalan dahilan kailangan pang impormahan ang kaniyang pamilya.

Ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas ta­tngay ang mga nalagas kabilang ang mga sugatan sa kanilang puwersa na inaalam pa ang kabuuang bilang.

AYON

BARANGAY TACAYAN

CAPIZ

ILETO

INFANTRY DIVISION

ISANG

JESSIE SILVESTRE

NEW PEOPLE

SPOKESMAN MAJOR ENRIQUE GIL ILETO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with