2 holdaper timbog

BOCAUE, Bulacan , Philippines – Naaresto na ng pulisya kahapon madaling araw sa ang dalawang lalaking responsable sa naganap na panghoholdap sa isang sangay ng remittance center dito kamakalawa ng hapon. Hindi na nakapalag pa sa mga pulis ng arestuhin ang mga suspek na sina  Ferdinand “Tange” Eugenio, 42 at Rodel “Tanggo” Cabuncal, 35 kapwa residente ng Brgy. Bambang sa bayang ito. Base sa ulat dakong alas - 5:00 ng madaling araw nang matunton ng pulisya sa isinagawang follow up operation ang tinutuluyang bahay ng dalawang suspek sa Brgy. Bambang, Bocaue at Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan. Sa himpilan ng pulisya ay positibong itinuro ng empleyadang si Mary Ann Buenaventura, 28 si Eugenio na tumutok sa kanya ng baril saka tumakas bitbit ang perang nakulimbat ngunit dahil sa nakalatag na CCTV camera sa naturang establisimyento ay nakilala ito sa pamamagitang ng suot na damit maging sa kaanyuhan nito habang naghihintay naman sa labas ang lookout na si Cabuncal.

Show comments