Driver todas sa killer van

CAVITE, Philippines - Isa ang kumpirmadong nasawi habang nasa kritikal namang kalagayan ang kasama nito matapos salpukin ng van ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Buhay-na-Tubig sa Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Namatay si Mark Adrian Lozano, 27, ng B22 136 India Street, SMC Salawag, Dasmariñas City habang malubha naman ang kaangkas nitong si Mary Grace Celespara, 19, ng Barangay Alima, Bacoor City, Cavite. Nasakote at pormal naman kakasuhan ang driver ng Starex van (BEF966) na si Metedio Garcia, 57, ng B27, L21, Villa De Primarosa sa nabanggit na lungsod.

Show comments