Proyekto ng munisipyo sinabotahe

 CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Sinabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army ang proyektong farm-to- market road ng munisipyo makaraang sunugin ang heavy equipment na grader sa Sitio Ubo, Barangay Rizal sa bayan ng Batuan, Masbate kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9 ng gabi nang silaban ng grupo ni Ka Butchoy Alcantara ang grader na gina­gamit sa nasabing proyekto ng lokal na pamahalaan. Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng revolutionary tax si Mayor Charlie Yuson kaya sinunog ang heavy equipment upang hindi matuloy ang proyekto para sa barangay.

Show comments