^

Probinsiya

Enforcer todas sa riding in tandem

- Danilo Garcia - The Philippine Star

RODRIGUEZ, RIZAL­, Philippines – Patay ang isang traffic enforcer makaraang pagbabarilin ng dalawang kriminal na riding-in-tandem habang patungo sana sa pagpupulong ng kanilang unit, kahapon ng umaga sa bayang ito.

Kinilala ni Supt. Donato Bait, hepe ng pulisya sa bayang ito ang nasawi na si Rodrigo Corpuz, nasa hustong gulang, Municipal Traffic Enforcer.

Bigo naman ang pulisya na maaresto ang dalawang salarin na mabilis na tumakas lulan ng isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7:30 ng umaga habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang JP Rizal Street sa Brgy. Balite.  Patungo sana sa pulong ng kanyang unit sa Eastwood, Brgy. San Rafael si Corpus nang harangin ng dalawang salarin.

Agad na bumunot ng baril ang backride sa motorsiklo at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima sanhi upang bumagsak ito sa kanyang motor na nilapitan pa muli ng mga suspek saka muling niratrat. Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang ugat ng pagpapatay dito. 

vuukle comment

BALITE

BIGO

BRGY

DONATO BAIT

EASTWOOD

KINILALA

MUNICIPAL TRAFFIC ENFORCER

RIZAL STREET

RODRIGO CORPUZ

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with